Sa isang webinar na inorganisa ng Center for Strategy, Enterprise, and Intelligence (CENSEI) nitong ika-21 ng Mayo 2021 kung saan naging tagapagsalita si Prospero de Vera, ang kasalukuyang Komisyoner ng Commission on Higher Education (CHEd), kanyang binanggit na ang flexible learning ang siyang magiging norm o pamantayan ng edukasyon sa tersiyarya. Inilahad din niya na mayroon nang mga polisiya ang komisyon kaugnay sa ganitong set up para sa kasalukuyang taong-panuruan at sa hinaharap. Dagdag pa niya, mawawalang-saysay ang mga ginawang paghahanda ng mga unibersidad sa kani-kanilang imprastrakturang panteknolohiya, pagsasanay sa mga guro, at pagreredisenyo ng mga pasilidad kung babalik din lamang naman sa dating kinagawiang sistema. Sa karanasan ng DLSU-D, ang online modality ay pinangangasiwaan ng CILP o Center for Innovative Learning Programs. Pangunahing tungkulin ng sentrong ito ay ang makapaglunsad ng mga gawaing pampagkatuto sa pamamagitan ng mga makabagong teknolohiya gayundin ang pangangasiwa nila sa Schoolbook, ang opisyal na online platform ng pamantasan na pinatatakbo ng NEO-LMS. Kwalitatibo ang metodong ginamit sa pananaliksik na ito, partikular ang dulog deskriptibo bilang isang uri ng pananaliksik na ang tuon ay mailarawan ang nananaig na penomenon. Kinapanayam sa pag-aaral na ito ang mga direktor ng apat na paaralang gradwado ng DLSU-D. Kabilang dito ang sumusunod: Kolehiyo ng Malalayang Sining at Komunikasyon (CLAC), Kolehiyo ng Edukasyon (COEd), Kolehiyo ng Pamamahalang Pangnegosyo at Akawntansi (CBAA), at Kolehiyo ng Agham at mga Pag-aaral sa Kompyuter (CSCS). Lumabas sa pag-aaral na ito na may kahandaan ang apat na tinukoy na paaralang gradwado hinggil sa pagpapatakbo ng kani-kanilang mga programa kung mananatiling online ang set up ng edukasyon. Bagaman naitala rin nila ang ilang mga hamon na kinakailangan ng agad na tugon gaya ng pagkakaroon ng virtual filing cabinet para sa pagsasaayos ng kanilang mga datos sa opisina upang mapanatili ang husay ng mga transaksiyon ng mga propesor at mag-aaral. Lumabas rin sa resulta na may pagnanais ang lahat ng stakeholder na bumalik sa onsite na anyo kung sakaling bubuti ang kondisyong panlipunan. Ang ganitong pagnanais ay bunsod ng pagkauhaw nila sa harapang interaksiyon at mas awtentikong paraan ng pagkatuto.
Keywords: edukasyong online, edukasyong on site, paaralang gradwado, pandemya, school book, face-to-facetribunephl, T. D. T. (2021, May 24). Full face to face classroom setup imposible nang ibalik -CHEd. Daily Tribune. https://tribune.net.ph/index.php/2021/05/24/full-face-to-face-classroom-setup-imposible-nang-ibalik-ched/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=full-face-to-face-classroom-setup-imposible-nang-ibalik-ched.
BrandRoom, I. N. Q. U. I. R. E. R. (2021, May 18). Re-imagining EdTech and the classroom in a post-pandemic era. INQUIRER.net. https://business.inquirer.net/323045/re-imagining-edtech-and-the-classroom-in-a-post-pandemic-era.
De La Salle University - Dasmariñas. (n.d.). Center for Innovative Learning Programs: De La Salle University - Dasmariñas. https://www.dlsud.edu.ph/cilp.htm.
Fraenkel, J. R., Wallen, N. E., & Hyun, H. H. (2015). How to design and evaluate research in education. McGraw-Hill Education.
Norton, P., & Wiburg, K. M. (2003). Teaching with technology: designing opportunities to learn. Thomson Wadsworth.
Office of the President. Commission on Higher Education. , Policies, Standards and Guidelines for Graduate Programs. (n.d.). https://ched.gov.ph/wp-content/uploads/CMO-No.-15-Series-of-2019-%E2%80%93-Policies-Standards-and-Guidelines-for-Graduate-Programs-Updated.pdf.
Reksten, L. E. (2002). Using technology to increase student learning. Corwin Press.
Republic Act No. 7722. (n.d.). https://lawphil.net/statutes/repacts/ra1994/ra_7722_1994.html.
Vera, B. O. de. (2021, January 28). PH posts worst recession in 2020. INQUIRER.net. https://business.inquirer.net/316565/ph-posts-worst-recession-in-2020.
Zaheer, M., & Munir, S. (2020). Research supervision in distance learning: issues and challenges. Asian Association of Open Universities Journal, 15(1), 131–143. https://doi.org/10.1108/aaouj-01-2020-0003