Sa tala ng etnolog sa taong 2020, tinatayang may isandaan at walumpu’t anim (186) na wika sa Pilipinas ngunit dalawa (2) sa mga ito ay itinuturing nang patay. Samantala, isandaan at pitumpu’t lima (175) naman ang itinuturing na indigenous, siyam (9) ang di-indigenous, tatlumpu’t anim (36) ang institusyonal, animnapu’t pito (67) ang mga papaunlad na wika, tatlumpu’t anim (36) ang masigla, tatlumpu’t apat (34) ang nanganganib, at labing-isa ang malapit nang maglaho. Ang pagkamatay ng wika ay maraming sanhi at pangkaraniwan na rito ay ang pagbulusok ng modernisasyon kung saan may mga terminong hindi na umaakma sa kanyang panahon at napapalitan na ng mga bagong salita. Ang lalawigan ng Cavite lalo’t ito ay malapit sa Maynila ay nagsisilbing pintuan ng modernisasyon kung kaya ito ay kabilang sa “first class” na probinsiya ng bansa. Taglay nito ang pagkakaroon ng 3.6 na milyong populasyon na naninirahan sa 1,426.06 kilometro kwadradong laki ng lalawigan. Tinipon ng mga mananaliksik ang mga naghihingalo o pawala nang salita na matatagpuan sa ilang piling bayan sa Cavite gaya ng: General Trias, Maragondon, Naic, Tanza, Dasmarinas, Rosario, at Noveleta. Ang isinagawang pagkalap ng mga salita ay isinaanyong glosaryo gamit ang proseso ng leksikograpiya na ang pangkalahatang tunguhin ay preserbasyong pangwika. Tinatanaw ng mga mananaliksik ang mga nauna nang pag-aaral bilang gap ng pananaliksik na ito tungo sa mas malawak na pagmamapa ng mga ganitong uri ng kultural na pag-aaral na siya ring tugon sa Cavite Development Research Roadmap ng pamantasang De La Salle-Dasmarinas. Tiyak na layunin ng pananaliksik na ito ay ang sumusunod: 1.) Makapangolekta ng mga naghihingalong termino sa mga piling bayan sa Cavite; 2.) Maipabalideyt ang mga nakalap na termino sa mga eksperto sa wika at leksikograpiya. Kwalitatibo ang metodong ginamit sa pananaliksik na ito. Binigyang-paliwanag ito nina Fraenkel and Wallen (2004) bilang isang uri ng pananaliksik na ang tuon ay mailarawan ang nananaig na penomenon. Malaking salik ng pagkamatay ng isang wika ay ang hindi paggamit ng miyembro nito sa isang pamayanan. Ang ganitong sitwasyon ang tinatanaw na lente ng kasalukuyang pag-aaral kung saan marami sa mga bayan sa Cavite ang humaharap ngayon sa ganitong kondisyong pangwika. Sa kabuuan, nakalikom ang mga mananaliksik ng nasa limandaan at tatlumpu’t tatlong (533) mga salita mula sa mga kalahok ng pag-aaral.
Keywords: leksikograpiya, glosaryo, leksikon, naghihingalong salita, preserbasyong pangwikaAmoncio, M. (2011). Morpolohiya ng wikang Filipino. Cavite: DLSU-D.
Baker, C. (1993). Foundations of bilingual education and bilingualism. England: WBC.
Ballena, C.T. (2005). Development of an English-Filipino dictionary of philosophy. Manila: PNU.
Bernardo, H. (2006). Debelopment at Ebalwasyon ng isang Glosaryong Ingles-Filipino sa Edukasyong Panrelihiyon. Manila: DLSU.
Cabo, K. (2020). Rehistro ng kabuhayang pangisdaan sa piling bayan sa Cavite. Cavite: DLSU-D.
Casanova, A. P. (1998). Debelopment at ebalwasyon ng isang monolingguwal na diksyonaryong Filipino sa drama at teatro. Manila: PNU.
Daluyan: Journal ng Wikang Filipino. (1997). QC: UP
Enaje, I. (2016). Language death: the case of Gubatnon dialect. Retrieved from https://www.researchgate.net/publication/303268523_Language_Death_The_Case_of_Gubatnon_Dialect.
Escoto, M. (2015). Diksyonaryong bilingguwal sa hotel and restaurant management. Manila: PNU.
Francisco, C. (2020). Kalipunan at paglalarawan sa mga salitang pampangisdaan sa Kawit, Cavite. Manila: DLSU.
Francisco, C. & Bayoneta, M. (2001). Diksyonaryo ng mga salitang bading. Cavite: DLSU-D.
Francisco, C. (2010). Espeyal na diksyonaryong bilingguwal sa print at brodkas midya. Manila: PNU.
Fraenkel at Wallen. (2004). How to design and evaluate research in education. USA: Mcgrawhill.
Gleason, J. (2001). The development of language. USA: Pearson.
Jovel, K.V. R., Undurraga, E., Magvanjav, O., Gravlee, C., Huanca, T., Leonard, W.R., McDade, T.W., Reyes-García, V., Tanner, S., & Godoy, R. (n.d.). Modernization and culture loss: A natural experiment among native Amazonians in Bolivia. Retrieved from https://heller.brandeis.edu/sustainable-international-development/tsimane/wp/TAPS-WP-52.pdf
Laneheart, S. (1996). Language of Identity. Journal of English Linguistics, 24 (4): https://journals.sagepub.com/doi/abs/10.1177/007542429602400407?journalCode=enga
Lustig, M. & Koester, J. (2006). Intercultural competence. USA: Pearson.
Mojica, M.L. (2005). Pagbuo ng Glosaring Ingles-Filipino ng mga Terminong Pang-criminology. Cavite: DLSU-D.
Newell, L. E. (1995). Handbook on lexicography: for Philippine and other languages. SIL: Manila.
Otero, M.R. et al. (2002). Glosari sa edukasyon. QC: UP Sentro.
Pareja, T. (2014). The Chabacano of Cavite city. Dasmarinas: Unpublished research.
Profeta, M. (2014). Glosaryong bilingguwal sa turismo. Cavite: DLSU-D.
Rico, L. & Weed, K. (2002). The cross-cultural, language, and academic development. USA: Allyn.
Rolle, E.B. (2006). Development ng Isang Glosaring Bilinggwal sa Sikolohiya. Cavite: DLSU-D.
Rozul, R. (2008). Developing a monolingual dictionary of obsolescent Tagalog words in Tagaytay City, Amadeo, and Indang, Cavite. Dasmarinas: DLSU-D.
Wilson, J. & Wilson S. (1998). Mass media/mass culture: an introduction. USA: Mc-Graw.
Yule, G. (2010). The study of language. USA: Cambridge.
Zgusta, L. (1971). Manual on lexicography. Czech: Academia.