HALAGAP SA TOPONOMTIDAD: DALUMAT SA PAGPAPANGALAN NG LUGAR SA CALATAGAN, BATANGAS

Article Details

Thessa A. Hernandez, mlmojica@dlsud.edu.ph, De La Salle University-Dasmariñas
May L. Mojica, , De La Salle University-Dasmariñas

Journal: Academia Lasalliana Journal of Education and Humanities
Volume 2 Issue 2 (Published: 2021-06-01)

Abstract

Tinangka ng pananaliksik na ito na madalumat ang identidad at kultura ng Calatagan, Batangas batay sa toponomiya ng dalawampu’t dalawang (22) barangay. Nilayon ng mga mananaliksik na matukoy ang pinagmulan ng toponomiya ng mga barangay, maikategorya ang natukoy na toponomiya ayon sa toponymic typology nina Tent at Blair (2011), at madalumat ang natatanging kultura at identidad ng Calatagan ayon sa taglay na toponomikong katangian. Salig sa ideolohiya sa kultura ni Clifford Geertz, binigyan ng malalim na pagsusuri ang mga umigpaw na identidad at kultura ng bayan. Kinalap ang mga toponomiya gamit ang mga arkibong datos, talatanungan, at katutubong paraan ng pangangalap ng datos tulad ng pagtatanong-tanong at pakikipagkuwentuhan. Matapos ang pagsusuri sa mga datos, nakita ang padron ng pagpapangalan mula sa likas na yaman tulad ng puno at halaman, kuwentong bayan, pangalan, at kilos ng mga tao. Samantala, sa paglalapat ng teorya nina Tent at Blair (2011), naitampok ang mga toponomiya ayon sa kategorya ng pag-uugnay, palarawan, pangyayari, eponymous, at lingguwistikong inobasyon. Nagbigay ang mga kategorya ng mga karagdagang detalye na nagpalalim sa pagsusuri sa mga toponomiya. Nadalumat ang identidad at kultura matapos ang tematikong paghihimay sa katangian ng mga toponomiya. Natuklasan ang mga identidad at kultura na nakapaloob sa toponomiya gaya ng: (1) may mataas na pagpapahalaga sa likas na yaman, (2) kolonisadong kamalayan, (3) mabuting pakikipagkapwa-tao, (4) magiliw na pagtanggap sa bisita, (5) masipag at mapamaraan, (6) malikhain, (7) may diwa ng pagkakaisa, at (8) may pagyakap sa kuwentong bayan. Malaki ang naging ambag ng mga natukoy na padron ng toponomiya sa pagbuo ng malalim na pag-unawa sa kultural na aspekto ng Calatagan. Ang pag-aaral na ito ang nagluwal ng teoryang Halagap sa Toponomtidad. Nabuo ito matapos ang banggaan sa disiplina ng toponomiya at ang mga salik na bahagi ng identidad at kultura ng isang indibidwal tulad ng wika, kultura, kasaysayan, at kapaligiran ng isang pook.

Keywords: toponomiya, toponymic typology, Calatagan, wika, kultura, halagap sa toponomtidad

DOI: https://drive.google.com/file/d/19IzCJGTtJFFFaLx4lhAylU_9jB4l2Vie/view?usp=sharing
  References:

Bryman, A. (2004). Social Research Methods. New York: Oxford University Press.

Cacciafoco, F. P., & Cavallaro, F. (2017). The legend of Lamòling: Unwritten memories anddiachronic toponymy through the lens of an Abui myth. Lingua, 193, 51-61.

Calatagan, Batangas: Historic and Folkloric Notes about some of its Barrios, (2018) https://www.batangashistory.date/2018/05/calatagan-barrios.html

Cerqueti, R. & Ausloos, M. (2015). Socio-economical analysis of Italy: The case of hagiotoponym cities. The Social Science Journal, 52 (4), pp. 561-564. https://doi.org/10.1016/j.soscij.2015.03.004

Constantino, R., & Constantino, L. R. (1975). The Philippines: A past revisited (Vol. 1). Manila: Tala Pub. Services

Constantino, P. C., & Zafra, G. S. (2000). Kasanayan sa Komunikasyon II. University of the Philippines Open University.

Ferrer, A. S. (2005). Reducción sa Bohol sa Dantaon 16 hanggang 19: Katangian at Anyo. Philippine Social Sciences Review, 57(1).

Fraenkel, W., & Wallen, N. Hyun,(2012). How to design and evaluate research in education.

Geertz, C. (1973). The interpretation of cultures (Vol. 5019). Basic books.

Hausner, I. (2017, October). Toponyms and Cultural Heritage: A peaceful partnership o forced alliance?. In The Society for East Sea ed., Achieving Peace and Justice Through Geographical Naming, Proceedings, 23rd International Seminar on Sea Names (pp. 22-25).History and Cultural Data of Calatagan, National Library of the Philippines’ Digital Collections

Javier, R. (2005) Pakikipagkapwa: Pilipinong Lapit sa Pananaliksik. Lungsod Quezon: Central Books Supply Inc. Limbag.

Klugah, M. A. (2013). Recounting history through linguistics: A toponymic analysis of Asogli migration narratives. African Journal of History and Culture, 5(8), 151

Newell, L. E. (1995). Handbook on lexicography for Philippine and other languages: with illustrations from the Batad Ifugao dictionary (No. 36). Linguistic Society of the Philippines.

Nuncio, R.V (2008). Pagdadalumat-Salita: Kung Bakit Hindi na Hikain ang Wika ng Teorya sa Wikang Filipino, De La Salle-Manila.

Opisyal na Website ng Calatagan, Batangas, https://www.calatagan.gov.ph

Opisyal na Website ng Philippine Statics Office, (2010) https://psa.gov.ph/tags/urban-rural-classification

Pardales Jr, J. R. (1997). Ethnobotanical survey of edible aroids in the Philippines: I. Farmers’ beliefs, experiences and uses. Philippine Journal of Crop Science, 22(1), 1-7.

Panlalawigang Aklatan ng Batangas, Pagbabagtas ng Kasaysayan ng Lalawigan, Nakuha noong Enero 9, 2019

Špiláčková, M. (2012). Historical research in social work–theory and practice. ERIS Web Journal, 3(2), 22-33.

Tent J., & Blair D. (2011). Motivations in naming: the development of a toponymic typology for Australian place names. Names 59:67-89.

  Cited by:
     None...