Tatalakayin sa papel na ito ang rehistro ng wika sa pagtatahong sa lungsod ng Bacoor, Cavite at ang mahalagang gampanin ng wika sa patuloy na pag-inog ng kabuhayang ito hanggang sa kasalukuyang estado nito. Sa pagsasakatuparan ng pag-aaral, tinungo ng mananaliksik ang mga tahungan sa lungsod upang doon isinagawa ang pangangalap ng perkular na terminolohiya sa pagtatahong. Ang mananaliksik ay nakapangalap nang hindi bababa sa limampung (50) terminolohiyang ginagamit sa pagtatahong na isinaayos sa paraang glosaryo at inihanay batay sa yugto ng mga gawaing may kaugnayan sa pagtatahong. Ipinaliwanag din sa pag-aaral na ito ang pinagmulan, kaligiran, at naging pag-unlad ng kabuhayang pagtatahong ng Bacoor, sa pamamagitan ng pangangalap ng mga impormasyon sa mga artikulo’t aklat, at pakikipanayam sa mga taal na mamamayan ng lungsod. Samantala, gamit ang tatlong (3) dimensyon ng rehistro ng wika, naipakita sa papel na ito ang mahahalagang gampanin ng wika sa paglalarawan sa kasalukuyang estado ng kabuhayan, posibleng dibisyon o pag-uuri sa mga kalahok sa kabuhayan, at intensyon sa paggamit ng rehistro ng wika gaya ng kung saan, kailan, o kanino gagamitin ito. Ipinapakita lamang ng pag-aaral na ito na ang wika ay may kapangyarihang maging lunsaran ng paglalantad ng ugnayan ng isang pangkat na pinagbibigkis ng kabuhayang kanilang sinusuong. Sa huli, ninanais ng pag-aaral na ito na makapag-ambag sa intelektwalisasyon ng wikang Filipino.
Keywords: Sosyolinggwistika, Rehistro ng Wika, Dimensyon ng Rehistro ng Wika, Glosaryo, PagtatahongBenitez, et. al. (1988). Perspectives in Aquaculture Development in Southeast Asia and Japan. Aquaculture Department, Southeast Asian Fisheries and Development Center.
Bernardo, H. (2006). Debelopment at Ebalwasyon ng isang Glosaryong Ingles-Filipino sa Edukasyong Panrelihiyon. Manila: DLSU.
Cabo, L. K. (2020). Rehistro ng Wika sa Kabuhayang Pangisdaan sa mga Piling Bayan ng Cavite. Cavite: DLSU-D.
Chambers, et. al. (2004). The Handbook of Language Variation and Change. Blackwell Publishing.
Escoto, M. (2015). Diksyonaryong bilingguwal sa hotel and restaurant management. Manila: PNU.
Fraenkel et. al. (2012), How to design and evaluate research in Education (8th ed.). New York: Mc Graw HIll.
Francisco, C. (2020). Kalipunan at paglalarawan sa mga salitang pampangisdaan sa Kawit, Cavite. Manila: DLSU.
Halliday, M.A.K. (1973). Explorations in the Functions of Language. Edward Arnold.
Halliday, M.A.K. (1978). Language as Social Semiotic. Edward Arnold.
Key, J. P. (1997). Research design in occupational education. Oklahoma State University.
Mojica, M.L. (2005). Pagbuo ng Glosaring Ingles-Filipino ng mga Terminong Pang-criminology. Cavite: DLSU-D.
Otero, MR. et. al. (2002). Glosari sa Edukasyon. UP Sentro.
Ramos, J.F. Pulitika ng Pagpili/Paggamit ng Wika sa Lipunang Pilipino. nasa Constantino et. al. (1996). Mga Piling Diskurso ng Wika at Bayan. University of the Philippines Press.
Rolle, E.B. (2006). Development ng Isang Glosaring Bilinggwal sa Sikolohiya. Cavite: DLSU-D.
Rosell, Neon (1992). The Green Mussel – Perna viridis in the Philippines. nasa Winston Menzel (2017). Estuarine and Marine Bivalve Mollusk Culture. CRC Press.
Zgusta, L. (1971). Manual on lexicography. Czech: Academia.