Tinatalakay sa papel ang pag-uugnay sa paglawak ng pang-unawa at ang pagtanda. Sa pamamagitan ng pagsusuri sa wikang ibinubunga ng karanasan (kultura), tinuklas ang pagbubuo ng kognisyon ukol sa unawa mula sa pag-iisa patungo sa pakikiisa sa kapwa pati ang pag-iisip sa panahon, pag-asa, at pagtanda. Pinagtuunan ng pansin ang mga pagkakaugnay ng mga kaisipang buhat sa wika at karanasan. Hinagilap sa leksikon at semantika, pati sa mga salitang naghahayag ng dinaranas-dinaramang daloy ng búhay (larangan ng karanasan), ang pagsisinop. Mula ang mga ito sa mga likha ng tao (binuong kultura bílang katibayan ng karanasan) tulad ng mga liriko sa popular na awit noong dekada otsenta ng nakalipas na dantaon, mga sinasabi dati pa, mga sinaunang salita, at sa paraan ng pagpapantig at pagbubuo sa wika. Iniugat, iniugnay-ugnay, at inisipan ng kahulugan at kabuluhan ang mga nakalap na salita’t sinasabi. Nalinang sa ganitong metodo ang paglalarawan sa paninibago’t pagbabago sa pagtanda na naisasakonteksto sa kultura at lipunan (hal. kapanahunan). Sa papel na ito, ang tinutukoy na ‘tumatanda’ sa tiyempo ngayon (oras) ay iyong lalabintaunin noong 1980’s at mga lilimampuin (edad 50+) na ngayon. Hindi lang may nagbabago (lalong gumugulang na katawan) kayâ naninibago, kundi mayroong nag-iiba habang patuloy na dinaranas-dinarama sa daloy ng búhay. Ito ay ang paglawak ng unawa na kaugnay ng panahon at pag-asa. Gamit rin ang pamamaraang linggwistika, siniyasat pa ang salitang unawa kung saan naiuugat ang kaluluwa (nawa, sinaunang salitang tulad ng deva, diwa, jiwa). Iisa ang batis ng pakahulugan sa laya, raya, at saya (haya-an, baya-an) pati ang ka-ayo at kaaya-aya (ayon, ayos) na lahat ay maiuugnay sa paglawak ng unawa. Nahihiwatigan na may pagsulong ng espiritwalidad na nakatuon sa kapwa mula sa pag-iisa tungo sa pakikiisa (sa Ingles, integration not individuation). This paper presents a discussion in the development of understanding/unawa as it relates to aging. In doing analysis of language, itself as product of experience (culture), the cognitive construction of human ‘understanding’ (unawa) is explored from the thinking and feeling of the ‘separate-ness’ to a ‘sense of shared inner self’ with the ‘other’ (kapwa). Explored are conceptions related to ‘understanding’ such as thoughts about life occurrences or events (panahon), hope (pag-asa), and becoming an older person whom has to remember or having memories (pagtanda). Data were drawn from lexical and semantic domains and the domain of experience. These were derived from lyrics of songs, old sayings, archaic words still in use today, and in how Filipinos say/hear the expressed words to articulate their meanings. In making interpretations, the tasks included tracing the roots of these words, relating them to personal and social life. Through this method, explanations are made about how one experiences life occurrences/events that results in having a sense of being old (change experience) and of being new (experiencing adjustments). Life is experienced through periods/time in a given culture e.g. pagtanda (being old in the now so as to remember life events in the past that are continuing in the present). This explains unawa. Unawa is traced from ancient Tagalog; linked to kaluluwa (similar to Sanskit deva or Tagalog diwa which is like the English ‘spirit’). Related to unawa are laya (kalayaan, freedom), raya (hiraya, imagination) and saya (magsaya, haya-an or ‘let be’, baya-an or give liberty), ka-ayo at kaaya-aya (ayon- in accord, ayos- in order). As a person advances in age, he/she expounds his/her understanding (paglawak ng pang-unawa); associated with spiritual growth, one seeks integration (kapwa) and away from ‘separate-ness.’
Keywords: pag-iisip, panahon, pag-asa, unawa, kapwa, pagiging matanda thought, life events, hope, understanding, shared self, memory, being old.Aganon, Ma. Assumpta at David, Allen, (eds.) (1985) Sikolohiyang Pilipino: Isyu,
Pananaw, at Kaalaman (New Directions in Indigenous Psychology). Lungsod ng Maynila: NBS Inc., 1985 Print.
Canceran OP, Delfo (2016). Personal na komunikasyon. Mayo 4, 2016.
Carandang, Ma. Lourdes A. (2016). Pakikipagkapwa-damdamin: Accompanying Survivors of Disaster. Pasig City: MLAC Institute for Psychological Services,Inc., 2016. Pasig City. Print.
Cipres-Ortega, Susan (1980). Ulat ng Ika Labindalawang Seminar sa Sikolohiya ng Wika: Kasalukuyang Kalakaran sa Sikolohiya ng Wika. Unibersidad ng Pilipinas. Quezon City: National Computer Center, 1980. Print.
Contreras, Antonio P. (2014). “Ang Konsepto ng Pagsasaayos Bilang Panimulang Post Kolonyal na Pagdalumat Pulitikal sa Panahong Postmoderno”. Diwa E Journal. 2.1 (2014) Tomo 2 Bilang 1. Pambansang Samahan sa Sikolohiyang Pilipino. Print.
David, Pablo Virgilio S. at Tomen, Nina L.B. (2016). The Gospel of Mercy According to Juan/a. Makati City: St. Pauls Philippines., 2016. Print.
Enriquez, Virgilio G. (1994). Pagbabagong-Dangal: Indigenous Psychology and Cultural Empowerment. Akademya ng Kultura at Sikolohiyang Pilipino. Quezon City: Pugad Lawin Press, 1994. Print.
Enriquez, Virgilio G. (1997). “Kalinawan ng Isip: Pakahulugan Pilipino sa Mental Health”. Virgilio G.
Enriquez Monograph Series Vol. 1. No. 1 (1997). Lungsod ng Maynila: Virgilio G. Enriquez Memorial Foundation, Inc. Print.
Enriquez, Virgilio G.at Elizabeth P. Marcelino, Elizabeth P. (1984). Neo-Colonial Politics and Language
Struggle in the Philippines: National Consciousness and Language in Philippine Psychology 1971-1983. Akademya ng Sikolohiyang Pilipino, Philippine Psychology Research and Training House. Quezon City: Rapid Lithographic, 1984. . Print.
Erasga, Dennis S. (2015). “Pakiramdaman: Isang Maka-Pilipinong Lapit sa Pagdadalumat sa Sosyolohiya (Pakiramdaman: A Filipino Brand of Reflective Inquiry in Sociology”. Humanities Diliman: A Journal on Philippine Humanities, Vol. 12. No. 1 (2015). Print.
Macapagal, Ma. Elizabeth J., , et al. Ofreneo, Mira Alexis P., Montiel, Cristina J. at Jocelyn M. Nolasco (2013). Social Psychology in Philippine Context. Quezon City: Ateneo de Manila University Press, 2013. Print.
Mariano, Vicente D., ed. (Editor) (2009). Sining-Bayan: Art of Nation Building. United Nations Development Programme Philippines, UP National College of Public Administration and Governance, and Bagong Lumad Artists Foundation, Inc., 2009. Print.
Obusan, Teresita B. at Minifred P. Gavino, Minifred P. (Tagapagpadaloy) (2012).
Baybayin Atbp. Mga Pag-aaral at Pagpapayaman ng Kulturang Pilipino. Quezon City: WWCEA Graphic Services, 2012. . Print.
Pe-Pua, Rogelia E., ed. (Patnugot) (2011). Sikolohiyang Pilipino: Teorya, Metodo at Gamit. Quezon City: University of the Philippines Press, 2011. Print.
Salazar, Zeus A. (1998). The Malayan Connection: Ang Pilipinas sa Dunia Melayu. Lungsod Quezon: Palimbagan ng Lahi, 1998. Print.
Santillan, N. M. R. at M.B.P. Conde, M. B. P (Mga Patnugot)mga ed. (1998). Kasaysayan at Kamalayan: Mga Piling Akda Ukol sa Diskursong Pangkasaysayan. Lungsod Quezon: Limbagang Pangkasaysayan (LIKAS), 1998. Print.
Sison-Buban, Racquel (2016). Personal na komunikasyon. Hunyo 25, 2016. Yoos, George E. (2009). Politics and Rhetoric: Coming to Terms with Terms. New York: Palgrave Macmillan, 2009. Print.