Leksikong Kultural ng Tagalog at Sinugbuanon: Isang Analisis / Cultural Lexicon of Tagalog and Sinugbuanon: An Analysis

Article Details

William S. Augusto Jr, jjaugusto05@gmail.com, Cebu Normal University

Journal: Malay
Volume 31 Issue 1 (Published: 2018-12-01)

Abstract

Nilayon ng pag-aaral na ito na suriin ang leksikong kultural ng Wikang wikang Tagalog at Wikang wikang Sinugbuanon. Sinikap na sagutin ang mga sumusunod: (1) Alin sa mga salitang naitalâa sa wikang Tagalog at Sinugbuanong Binisaya ang may magkaparehong anyo? (2) Ano-ano ang tamang pagbigkas nito ayon sa ponolohikal naponolohikong estruktura ng mga salita? (3) Ano-ano ang kahulugan o rehistro ng mga ito sa bawat wikang pinagmulan nito? (4) Sa ano-anong bahagi ng pananalita ang mga salitang ito napabibíilang? Pamaraang deskriptibo o palarawan na nilapatan ng pagsusuring estruktural ang ginamit sa pag-aaral na ito at sa pag-aanalisa sa rehistro ng mga salita, ginamit ang semantic signal na teknik na naaayon sa sosyolinggwistika pagpapakahulugan nito at ang teorya ng semantic field na paraan ng pagkiláala ng kahulugan ng salita sa pagbibigay ng mga salita na kaugnay nito. Natuklasan na (1) maraming mga salita sa Tagalog at Sinugbuanon ang magkakapareho sa palatunugan at palabuuan. Ang pagkakatulad nito ang dahilan sa pagkakapareho ng mga ito sa paraan ng pagbigkas na may uri ng malumay, mabilis, at maragsa. (2) Kahit magkakatulad ang mga salita sa baybay at bigkas ng Tagalog at Sinugbuanon, nagkakaiba pa rin ito sa kahulugan/rehistro buhat na rin sa heograpikal heograpiko at sosyo linggwistikong dimensyon ng isang lugar. (3) Marami sa mga magkakatulad na salitang Tagalog at Sinugbuanon ang naagkaiba ang kinabibilangan at may mga iba na nanatili ang bahagi ng pananalita ng dalawang wika. Kahit may mga nananatiling magkapareho ng bahagi ng pananalita, hindi pa rin ito dahilan sa pagkakapareho ng kahulugan nito. Ang wika ay talagang nakabatay sa lugar kung saan ito nabubúuhay at umiiral. Ang pagkakapareho ng mga salita sa Tagalog at Sinugbuanon ay palatandaan ng ugnayan ng mga wika sa Pilipinas buhat sa iisang angkang pinagmulan nito at ang pagkakaiba ng kahulugan nito ay buhat sa heograpikalheograpiko at kultural na aspeto aspeto ng bawat lugar. This study aimed to examine the lexicon structure of Tagalog and Sinugbuanon. It sought to answer the following: (1) Which of the listed words from Tagalog and Sinugbuanon has the same form? (2) What is the appropriate enunciation of these words? (3) What is the meaning or register of these words in/from both languages? (4) In which parts of speech do these words belong? Moreover, it utilized descriptive methodology and structural analysis. In examining the register of the words, semantic signal technique which relates to the sociolinguistic meaning of words was used. It was also anchored to the theory of semantic field which is considered as the way of identifying word meaning that is related to it. It was found out that (1) there are several words in Tagalog and Sinugbuanon that have the same phonological and morphological structure. This is the reason why these words have the same enunciation which is identified as the following: malumay, mabilis, at maragsa. (2) Even though these words have the same spelling and enunciation, they still have different meaning or register because of the geographical and sociolinguistic dimension. (3) A lot of the listed similar words from Tagalog and Sinugbuanon belonged to the same parts of speech and some of it changed. But, even there are words remained the same in the parts of speech, the meanings are still different. Language is really dependent on the culture of a certain place. The similarity of vocabulary of Tagalog and Sinugbuanon proves us that every language in that the Philippines is connected due to its same origin. The cultural and geographical dimension affects the meaning of every word in a certain place.

Keywords: leksikon, kultural, Sinugbuanon, Tagalog, rehistro lexicon, culture, Sinugbuanon, Tagalog, register

DOI: https://ejournals.ph/article.php?id=14204
  References:

Dayag, A. at M. del Rosario. “Pinagyamang Pluma 11..” Quezon City: Phoenix Publishing House, 2016. Print.

Jacaban, Imelda S. “Pahambing na Pag-aaral sa Kayariang Pangwika ng Wikang Filipino at Cebuano ayon sa Sintaksis.” Cebu City: Cebu Normal University, 2002. Print.

Lavov, W. et al. “A Study of the Non-Standard English of Negro and Puerto Rican Speakers in New York City.” CooperativeResearch Report 3288, Vol. 1.

Philadelphia: US Regional Survey, 1968. Print.

Liwanag, Lydia B. "Ang Pag-Aaral ng Varayti at Varyasyon ng Wika: Hanguang Balon sa Pagtuturo at Pananaliksik." The Normal Light Journal on Teacher Education (2007): 229–-245. , 383–-348. Print.

Pasion, Raymund M. "Yang Pagbul’lók-bul’lok: Varyasyon ng Wikang Mandaya sa Ilang Munisipalidad ng Davao Oriental." Asia Pacific Journal of Multidisciplinary Research,.2015. Print.

Pesirla, Angel O. Ang Linggwistika sa Sugbu-anung Binisaya. Malabon City: Anvil Publishing House, 2012. Print.

Santiago, Alfonso O. Makabagong Balarilang Tagalog. Manila: Rex Book Store, 2003. Print.

  Cited by:
     None...