Sunurang Pagtamo ng mga Batayang Pangungusap ng Filipino bilang Ikalawang Wika ng mga Mag-aaral na Tsino, Hapones, at Koreano: Isang Panimulang Pag-aaral / Acquisition Order of Basic Sentences in Filipino as a Second Language for Chinese, Japanese, and Korean Learners: A Preliminary Study

Article Details

Ronel O. Laranjo, rolaranjo@up.edu.ph, University of the Philippines, Diliman

Journal: Malay
Volume 34 Issue 1 (Published: 2021-12-01)

Abstract

Matagal nang pinag-aaralan ng mga banyagang mag-aaral ang Filipino bilang ikalawang wika sa loob at labas ng Pilipinas. Karamihan sa mga pananaliksik kaugnay nito ay nakatutok sa pagdebvelop ng pedagohiya upang mas epektibong maituro at matutuhan ang istruktura ng wikang pambansa. Nagbibigay ng bagong perspektiba ang pananaliksik na ito sa pamamagitan ng pagtutok sa mismong proseso ng pagkatuto at pagtamo ng Filipino bilang ikalawang wika. Gamit ang Teorya ng Panggitnang Wika, layunin ng pananaliksik na ito na matukoy ang sunurang pagtamo ng mga batayang pangungusap at mga morpema sa loob nito sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga eistrukturang napoprodyus ng mga banyagang mag-aaral. Nangolekta ang mananaliksik ng pasulat na sampol ng wika sa dalawampu’t tatlong 23 piling mag-aaral mula sa mga unibersidad sa Tsina, Hapon, at Korea na may mababa hanggang mataas na antas ng kasanayan sa Filipino. Batay sa mga datos na nakalap, lumalabas na iisa lang ang tendensiya ng sunurang pagtamo ng mga batayang pangungusap at mga morpema sa loob nito sang-ayon sa antas ng kasanayan at unang wika ng mga banyagang mag-aaral. Naobserbahan na unang natatamo ang mga pangungusap na di-verbal kaysa sa mga pangungusap na verbal. Sa mga pananda, ang marker ng simunong ang/si ang mas maagang natatamo ng mga banyagang mag-aaral kumpara kumpara sa ibang pananda kaya naman mas una ring natatamo ang mga panghalip na ako/siya/kami kaysa sa ko/niya/nila. Sa dalawang porma naman ng pang-angkop, unang natatamo ang na kaysa sa -ng. Nakapaghain din ang pananaliksik ng mga implikasyon nito sa pagtuturo ng istruktura ng wikang Filipino bilang ikalawang wika ng mga banyagang mag-aaral. Foreign learners, inside and outside the Philippines, have been studying Filipino as a second language for a long time. Most of the research related to this topic focused on the development of pedagogy to effectively teach and acquire the grammatical features of Filipino. This research provides a new perspective by focusing on the process of learning and acquiring Filipino as a second language. Using the Interlanguage Theory, this study aims to identify the order of acquisition of Filipino basic sentences and its morphemes by analyzing the sentences produced by foreign learners. The researcher collected written samples of twenty-three23 selected foreign students from universities in China, Japan, and Korea with beginner to advanced level skills in Filipino. Based on the data collected, there is a consistent tendency of an acquisition order depending on the level of language skills and first language of foreign learners. It was observed that non-verbal sentences are acquired first than verbal basic sentences. The subject marker ang/si is acquired earlier than the other markers, consequently pronouns ako/siya/kami are acquired earlier than ko/niya/nila. Between the two forms of linkers, na is acquired earlier than -ng. The study also presented some implications of the acquisition order in teaching Filipino as a second language to foreign learners.

Keywords: Filipino bilang Ikalawang Wika, Panggitnang Wika, Gramar ng Wikang Filipino, Banyagang Mag-aaral ng Filipino, Sunurang Pagtamo Filipino as a Second Language, Interlanguage, Filipino grammar, Foreign Learners of Filipino, Acquisition order

DOI: https://www.dlsu.edu.ph/wp-content/uploads/pdf/research/journals/malay/tomo-34/1/5-laranjo.pdf
  References:

Almario, V. “Mulang Tagalog Hanggang Filipino.” Daluyan, vol. 8, blg. 1–-2, 1997, pp. 5–-13.

Antonio, L. “Paano Mabisang Maituturo ang Wika sa mga Hapones?” Daluyan: Journal ng SWF sa Talakayang Pangwika, vol. 8, blg. 1–-2, 1997, pp. 49–-59.

Andersen, R. (ed). The Acquisition and Use of Spanish and English as First and Second Languages. Washington DC, TESOL, 1978.

Bailey, K., Madden, C. at Krashen, S. “Is there a ‘Natural Sequence’ in Adult Second Language Learning?” Language Learning, vol. 21, blg. 1, 1974, pp. 235–-243.

Barrios, A. & Bernardo, A. “The Acquisition of Case Marking by L1 Chabacano and L1 Cebuano Learners of L2 Filipino: Influence of Actancy Structure on Transfer.” Language and Linguistics, vol. 13 blg. 3, 2012, 499–-521.

Constantino, P. “Wikang Filipino Bilang Konsepto.” Salindáw: Varayti at Baryasyon ng Filipino,

inedit nina Peregrino, J. et .al., Lungsod Quezon, UP Sentro ng Wikang Filipino, 2012, pp. 3–-9.

Corder, S. Error Analysis and Interlanguage. New York, Oxford University Press, 1981.

Cubar, E. at Cubar, N. Writing Filipino grammar: traditions & trends. Lungsod Quezon, New Day, 1994.

Dulay, H., Burt, M., Krashen, S. Language Two. England, Oxford University Press, 1982.

Ellis, R. The study of second language acquisition. England, Oxford University Press, 2008.

Ellis, R. at Barkhuizen, G. Analyzing Learner Language. England, Oxford University Press, 2005.

Gass, S. at Selinker, L. Second language acquisition: An introductory course. 3rd ed., Routledge, New York, 2008.

Huebner, T. A Longitudinal Analysis of the Acquisition of English. Ann Arbor, Karoma Publishers, 1983.

Hyltenstam, K. “Implicational Patterns in Interlanguage Syntax Variation.” Language Learning vol. 27, no. 2, 1977, pp. 383–-411.

Laranjo, R. “Mapping Philippine Studies in North East Asia: A SWOT Analysis of Southeast Asian Studies Programs from China, Japan, and Korea.” Suvarnabhumi, vol. 12, no. 1, 2016, pp. 111–-130.

Laranjo, R. “Panimulang Pagsipat sa Panggitnang Wika o Interlanguage ng mga Mag-aaral ng Wikang Filipino na May Lahing Pilipino o Heritage Learners.” Diwa E-journal, vol. 4, no. 1, 2016. pp. 73–-86.

Larsen-Freeman, D. at Long, M. An Introduction to Second Language Acquisition Research. UK, Longman, 1991.

Mabanglo, R. “Pagpapahusay ng Filipino sa mga Filipino/ Di-Filipino sa Labas ng Filipinas.” Daluyan: Journal ng SWF sa Talakayang Pangwika, vol. 8, blg. 1–-2, 1997, pp.35–-48.

Malicsi, J. Gramar ng Filipino. Lungsod Quezon, Sentro ng Wikang Filipino, 2013.

Mangulabnan, J. Acquisition Order of the English grammatical morphemes in the oral responses of grade two students. 2001. Unibersidad ng Pilipinas Diliman. PhD Disertasyon.

McFarland, C. A Frequency Count of Filipinos. Manila, Linguistic Society of the Philippines, 1989.

McLaughlin, B. Theories of second-language learning. London, Edward Arnold, 1987.

Oue, M. “Ang Pagpapahusay sa Pagtuturo ng Filipino sa mga Estudyanteng Hapones: Mga Suliranin at Solusyon.” Daluyan: Journal ng SWF sa Talakayang Pangwika, vol. 8, blg. 1–-2, 1997, pp.21–-34.

Pambid-Domingo, N. “Panimulang Pag-aaral ng Wikang Filipino sa UCLA: Kasalukuyang Lagay at Direksiyon.” Hasaan: Journal ng Unibersidad ng Santo Tomas, vol. 4, blg. 1, 2017, pp. 38–-60.

Paz, C. Ang Wikang Filipino Atin Ito. Lungsod Quezon, Sentro ng Wikang Filipino, 2005.

Quirolgio-Pottier, M. “Ang Pagtuturo ng Filipino sa mga Pranses sa Unibersidad ng Paris (Institut National des Langues et Civilisations Orientales/ INALCO).” Daluyan: Journal ng SWF sa Talakayang Pangwika, vol. 8, blg. 1–-2, 1997, pp. 11–-20.

Ramos, T. at Mabanglo, R. Southeast Asian Language Teaching: The Language Learning Framework for Teachers of Filipino, Special Issue, 2012.

Resuma, V. “Mga Pamaraan at Estratehiya sa Pagtuturo ng Filipino.” Daluyan: Journal ng SWF sa Talakayang Pangwika, vol. 8, blg. 1–-2, 1997, pp. 49–-59.

San Juan, D.M.M. Suri, Saliksik, Sanaysay: Mga Babasahin sa Wika, Panitikan, at Lipunang Pilipino. Lungsod Quezon, UP Sentro ng Wikang Filipino, 2020. https://swfupdiliman.org/download/suri-saliksik-sanaysay-david-san-juan/

Selinker, L. Rediscovering Interlanguage. New York, Longman Inc., 1992.

Tarone E. “On the Variability of Interlanguage Systems.” Applied Linguistics vol. 4, blg. 2, 1983, pp. 143–-163.

Yap, F. Global Filipino crossing borders. Manila, De La Salle University Publishing House, 2012.

  Cited by:
     None...